
Thanks to ACEMAN of pic-link for his good observations.
Kung di ka pa nakarating ng Saudi Arabia, eto ang mga halimbawa ng mga kakaibang aking napuna sa loob ng isang taon kong pag ta-trabaho d2.
• Naka Pajero, Suburvan, Patrol o Hilux ang mga nagpapastol ng tupa. Ayon sa aking nabasa sa local na pahayagan doon ang transpormasyon ng Saudi na ito ay kanilang tinatawag na “from camel to cadillac”.
• Mas mura ang diesel kaysa tubig, mabibili ang 1 liter ng bottled water sa halagang 26 pesos (2 riyals) samantalang ang 1 liter ng Diesel ay 6.5 pesos 50 halalas (1 riyal equals to 100 halalas).
• Ang dayuhan ang laging may sala kahit siya ang binangga. Ang paliwanag nila dito, kung hindi ka pumunta ng bansa nila, hindi ka sana nila nabangga.Based on experience, Mas ok kung mabilis ka magmaneho kc sigurado disgrasya aabutin ng mga mababagal mgdrive dito
• Ang mga banko “dati” ay may ladies’ branch kase di pwedeng pumasok ang mga babae sa bangko na may lalake.Peru ngyun e pwede na ang mga babae halos mga lalake• Pag nakulong ang lalaki, ang payo ng matatagal na sa Saudi “bring oil”, ewan ko kung bakit. Heheh..Grrrrrr!
• Iisang klase lang ang suot ng mga babae na tinatawag na abaya, ito ay kulay itim na balot mula ulo hanggang paa
• Pag umiling ang mga Indian nationals ang ibig sabihin nito ay “yes” sa atin ito ay “no”.

• 90% ng mga tao dito ay may balbas o bigote.
• Bawal magsuot ng crucifix, magbasa ng bibliya, o mag display ng mga signs ng cross kase puputilin yun ng mga authoridad.Bwal din ang mga burloloy o abubot sa mga lalake..Huhulihin o pagsasabihan k nila
• Dalawang klase ang pulis, pangkaraniwang pulis at mga “mutawa” o religious police. Ang mga “mutawa” ang naninita ng mga taong lumalabag sa Islam.
• May mga restoran na di pwedeng pumasok ang mga babae.
• Ang mga security guard sa banko ay walang baril.
• Ang bilihan ng mga ginto ay parang tiangge lang at walang security guard
• Bawal pumasok ang mga lalaki sa beauty parlor.
• May mga metro ang taxi, peru kung tingin mo malapit klng at alam mo kung magkakano e pwede kang tumawad.
Sa ospital pwede mong kausapin ang mga babae, kaya ang sabi-sabi ang ibang lalake ay nagpapa check-up kahit walang sakit.
• Pag lalaki ka at walang bigote mag-ingat ka baka ma-rape ka.Be careful d2 kc minsan bigla knlng nila hihintuan ng sasakyan at ngingitian..Ingat krin sa mga madidilim na lugar.FYI. halos may mga sasakyan d2 at grupo cila kung mambiktima!
• Napakababaho ng ibang lahi, sabi nga ng mga pinoy “don’t smoke within 5 meters from them baka sumabog”.
• Bawala ang alak pero may “brewery” o gawaan ng alak ang mga mighty pinoys.Iyung tinatwag nilng “tinimpla”
• Kapag napagbintangan ka ay ikukulong ka agad at papalayin ka lang kung mapapatunayan na di totoo ang bintang.
• Putol ulo ang pasura pag ikaw ay nahulihan ng droga, pumatay o nanggahasa.• May pinuputalan ng ulo sa plaza sa Balad, Jeddah pag Friday.
• Limang beses kada isang araw nagsasasarado ang mga restaurant, bangko at mga tindahan para mag dasal o “salah”.
• Pangkaraniwan na kung makakita ka ng nag darasal sa gilid ng kalsada.
• Walang talipapa, iisa lang ang bilihan ng isda, at least maayos di ba?.Mga mga market na bawal ang mga spicy ingrdnts…Bawal ata ditto un..Peru marami Supermarket
• Minsan lang sa isang buwan mag-pasweldo di gaya sa Pilipinas na kinsenas at katapusan.• Walang kinakaltas na tax sa sweldo.e2 ang masarap s lht..!
• Dapat dala-dala mo lagi ang ID mo na kung tawagin ay “iqama”, dahil pag nahuli kng di dala ito malaking trouble.Pwede Passport pag wala kpa iqama
• Uso ang kalbo sa Saudi kase mainit ang tubig.
• May pasok tuwing pasko at bagong taon, boring di ba?
• Nagbabatian ang mga Filipino kahit di magkakakilala sabay bati ng “Kabayan”. Siyanga pala kung pinoy e ngbabatihan d2 ang mga ibang lahi e nagyayakapan at beso beso!hahahahah
• Sa Balad, Jeddah may naglalako ng balot at puto.• Dati bawal ang celphone na may camera, pero ngayon pinapayagan na.
• Ang pera ay Riyal at ang palitan nito sa dolyar ay hindi nagbabago.
• Sobrang init sa summer at napakalamig naman pag winter.
Pag may naaksidente wag mong tulungan,
Sa kanilang kalendarayo na kung tawagin ay Hijira Calendar ang taon sa kasalukuyan ay 1429 pa lang sa Greogorian calendar na ating ginagamit ito ay 2008.
• Sabado ang simula na pasok at walang pasok pag Byernes.Thurs (Hafday sila o Hulday wala pasok
Pwede kang tumawad sa mall.
• Dahil sa sobrang init lahat ng bahay o gusali ay may aircon, kahit toilet at kusina.
• Ang tawag sa mga Filipino babae man o lalaki ay “pare” o “filibini” ang tawag naman ng mga Filipino sa kahit anong lahi ay “sadik” ang arabic translation ng kaibigan.
• Bawal ang baboy, alak at sugal.

• Ang pagsusulat nila ay simula sa kaliwa pakanan.
• Bawal mag-usap o maglakad ng magkasabay ang babae at lalake sa publikong lugar kung hindi naman mag-asawa.
• Bawal sumakay ang babae sa front pasenger’s seat ng sasakyan kung hindi naman niya asawa ang driver.
• Kinukulayan ng itim ang mga magazines, ads o mga larawan na nagpapakita ng legs, binti o leeg.
• Walang sinehan, pero nabasa ko sa internet na naaprubahan na ang pagpapalabas ng cartoons sa public places.
• Siyanga pala sa mag iisip kung libangan namin d2 e mayroon din lugar na parang Tiangger o Greenhills style..kasi napakarami ng mga pinoy sa lugar nayun.May TFC din d2.May Pinoy TV(GMA7).Mrami dn pinoy restaurant halos lahat ng mga lugar e merun pinoy kainan..Hilig ata d2 un! At sa mga tagilid ang kasarinlan e mrun kayong tambayan d2…kaya tingin tuloy ng mga arabo e taong mga pinoy e pwede nila itake home kc ung totoo mga pinoy na bading din kc ang gumawa ng ikakapahamak ng mga kapwa nila pinoy d2..Okdoks!!ingat s pagpunta d2!pahabol pala..masanay kna na sa Saudi airport plng e may nag’dudura’ sa mga paselyo..natural hndi ntn lahi un..At bawal ipasok ang mga dvd na XXX ..o kht ilng X pa yan..bsta tingin ng mga mutawa(Saudi) pulis e bastos sa knila mahabang pliwanag kilangan mo.Cympre pati mga mobile phones at laptop ntn…better delete!okidoks!
No comments:
Post a Comment