
"Nakilala ko si paul nang minsang mamasyal ako sa kalawakan. kulay pink ang pakpak ko at baby blue ang sa kanya. masayahin, masarap kasama, ganyan ko siya nakilala. minsan sa pamamasyal namin, napunit ang pakpak niya, akala ko di na siya muling makakalipad. pero mali ang akala ko.. sabi nga niya: "ang pakpak ko ay pinagtagpi-tagping karanasan, mawasak man ito ng hangin ay patuloy pa rin akong lilipad. natutunan ko nang lumipad bago pa man lumapad ang pakpak na 'to" -- LangMais
Mga salitang nakakatuwa pero malaman.
Sana ay makasakay ako sa iyong likuran, para matuto ako sa iyong mga karanasan.
Ang aking bigat ang iyong magiging lakas.
At ang pagaspas ng iyong pakpak ang siyang ating musika habang nasa alapaap.
Mainit ang iyong mga balahibo, panlaban ko sa malamig n hanging humahampas sa aking mukha.
Simulan mong ikampay ang iyong mga pakpak, malalaki, makukulay, kahanga hanga.
Yan ay isa mong ka-ikaw-an na hindi makukuha ninuman.
Most of you guys might not associate PAUL as my kuya. Sana nga wag na lng, hehehe. JOke. We can rarely find a true friend. Pero dahil sa mabait ako, behave ako, at cute ako, di ako pinababayaan ni GOD. He gave me a big bro. Kasi alam niya na makulit ako at maraming kalokohan.
KUYA PAUL happens. Dunno, but I can feel na magkksundo kami. Pano ba kami nagkakilala...hmmmm. I joined one group, (long silence...) hmmm....delete na yun, hehehe. Maxado kasing masalimuot ang mga napagdaanan namin nitong si KUYA PAUL. Basta alam niya ang loyalty ko nasa kanya. To those people na nambabadtrip sa kanya, willing ko resbakan. He's older than me. I think he's 32 now, ooopppsss..napasobra yata. Normal people might think that KUYA PAUL's ideas are weird. But I always think it's brilliant. Maybe because, Im not normal. Hahahaha.
Everybody loves this guy. He's willing to share what he has. If there is one thing he hate the most, that is those irresponsible, easy go lucky people. I learned a lot from him. When I say a "lot", it means a "lot". Good things, hmmmm, good things pa uli. Sangkaterba at sangkatutak na good things.

You might ask why the title of this post is "PINKY". Pinky is not human. It's a good for trash mobile phone. As long as I remember, 3310 yata ang model nun. The original owner of this phone was KUYA PAUL's mother. Kuya used to call it PINKY dahil sa pink na casing nito. He's using it even in public. Where else can you find a guy using a pink cellphone? Okei pa sana kung bagong model eh. Kaso medyo nagfafade na rin yung pagkapink niya. Kinuha niya ito sa nanay niya. Uso kasi nun ang suncell na simcard coz of its unlimited call feature. So nakiuso ang kuya. Dahil globe talaga siya, kinuha na lng niya si PINKY sa nanay niya para may pagsalpakan siya ng suncell. Hehehe.
Sobra akong nacucute-an kay pinky, Pero mas lalo akong nacucute-an sa kanya kapag ginagamit ni KUYA. Kasi habang pumipindot siya, nangingiti si kUYA. Ewan ko kung bakit. Pero si PINKY lang ang nagiisang hindi humihingang bagay na nakakagawa nun. Ang magpasaya sa KUYA ko. Madami nang messages ang naitype ni kuya sa kanya. Mga pangaasar, pangbubuwisit at mga love messages. Siguro alam ni pinky ang lahat ng iniisip niya. NAIINGIT AKO KAY PINKY, ALAM NIYA ANG LAHAT NG MGA SIKRETO NI KUYA.
Napakaliit na bagay ni PINKY. Pero d ko malilimutan na isang araw, sa loob ng 10 minuto, naging subject siya ng mga tawanan namin ni KUYA PAUL. Mga masasayang araw namin ng KUYA ko. Mga totoong TAWA. MGa totoong tawa.
I admit, bago ako umalis ng bansa, i have been neglecting our friendship. But as KUYA PAUL knows. I will always be here for him through thick and thin.Sorry KUYA if i neglected you... babawi po ako . PAGUWI KO.

U can check KUYA PAUL here....
1 comment:
Ohh my... this is really surprising. i love you bro! hahaha! nakakatuwa naman, di mo talaga makalimutan si pinky. well, paminsan-minsan nagagamit ko pa rin siya. nakakatamad kasi minsan gamitin nang bago kong phone na touch-screen.. nyay! i miss you dearly bro! kagagaling ko lang sa ticketing office, i booked my sister-in-law na papuntang saudi. ang mahal pala ng ticket kapatid, impossible dream na makadalaw ako dyan. hehehe!
Post a Comment